^

Metro

Rape-slay, di bangungot sa 5 anyos na nene

-
Isang 5-anyos na batang babae na iniulat kamakailan ng Taguig police na namatay sa bangungot ay natuklasang pinatay at ginahasa, base sa lumabas na findings ng autopsy report ng National Bureau of Investigation.

Sa report ni NBI Medico Legal Chief Maximo Reyes, nabatid na ang biktimang si Imee Princess Junio, 5, ay basag ang batok na hinihinalang hinataw at pinagpapalo ng matigas na bagay na palatandaang pinahirapan hanggang sa mamatay.

Bukod dito, nakita rin sa awtopsiya na namamaga ang ari ng bata at tadtad ng pasa at bukol sa katawan.

Upang itago ang nasabing krimen, inilagay ang bangkay ng batang biktima sa loob ng van, kung saan natagpuan ito at pinalabas na namatay ito sa bangungot.

Dahil sa hindi makapaniwala ang ina ng biktima na si Gng. Rosita, Junio, agad na humingi ito ng tulong sa NBI bunsod sa isinagawang re-autopsy.

Matapos ang lumabas na findings, nahaharap naman sa kaso sa mga imbestigador ng Taguig police nakilalang sina PO2 Ehron Balawat at PO2 Dennis Salupablo at doktor ng SOCO ng Southern Police District na si Dr. Emmanuel Reyes na siyang humawak sa kaso ng bata matapos na ipagharap ng sakdal ng nasabing ina ng biktima.

Bukod dito, iniimbestigahan na rin ng NBI ang ama ng bata na si Roberto Junio, isa sa maimpluwensiya umanong angkan sa Taguig na hinihinalang responsable sa krimen.

Nabatid na bago ang insidente, hiniram umano ni Roberto sa kanyang biyenan ang anak na si Princess noong Marso 31 at sinabing dadalhin muna nito sa Taguig upang makapiling dahil sa nangungulila ito sa anak kaya pinagbigyan naman ito.

Gayunman, makalipas ang sampung araw ay nabalitaan na lamang ni Rosita na kagagaling lamang sa Japan na isa nang malamig na bangkay ang kanyang anak kaya sa pagdududa ay agad nitong ipinasa ang kaso sa NBI.

Nabatid na nagsama ng anim na taon sina Roberto at Rosita subalit nagkahiwalay ng isang taon hanggang sa magtungo ang babae sa Japan. (Ulat nina Ellen Fernando at Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BUKOD

DENNIS SALUPABLO

DR. EMMANUEL REYES

EHRON BALAWAT

ELLEN FERNANDO

IMEE PRINCESS JUNIO

LORDETH BONILLA

MEDICO LEGAL CHIEF MAXIMO REYES

ROSITA

TAGUIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with