^

Metro

6-anyos kinatay ng sariling ama

-
Isang adik na ama ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang anim na taong gulang niyang anak na kanyang pinagtripan habang natutulog ang huli sa kanilang bahay sa Navotas, kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot pang buhay makaraang isugod sa Pagamutang Bayan ng Malabon sanhi ng malalalim na saksak sa dibdib ang biktimang si Ariel Jr., samantalang sinampahan naman ng kasong parricide ang ama nitong si Ariel de Asis Sr., residente ng Tabing-Ilog, Area Tanza, Navotas.

Base sa imbestigasyon ni SPO2 Daniel Ferrer may hawak ng kaso, dakong alas-10 ng gabi ng maganap ang insidente nang dumating sa kanilang bahay ang amang suspect na lango sa ipinagbabawal na gamot.

Sinabi ng ka-live-in nito na si Maricel Lazaro, laking gulat na lamang niya nang biglang kumuha ng patalim ang suspect at tinungo ang tinutulugan ng anak na si Ariel Jr. at saka inundayan ito ng sunod-sunod na saksak sa katawan.

Maging ang isang anak ni Lazaro ay muntik na ring mahagip ng pananaksak ng suspect.

Lumalabas sa isinagawang imbestigasyon na may naka-argumento ang suspect sa pinanggalingan nitong pot session at maaaring pag-uwi nito ng bahay ay napagbuntunan ng galit ang natutulog niyang anak.

Mabilis namang nadakip ang suspect matapos ang isinagawang krimen. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

AREA TANZA

ARIEL JR.

ASIS SR.

DANIEL FERRER

GEMMA AMARGO

ISANG

LAZARO

MARICEL LAZARO

NAVOTAS

PAGAMUTANG BAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with