^

Metro

Gamot kay GMA, pagkain kay Estrada para sa QC residents

-
Magkasabay na naglunsad ng proyekto kahapon ang kampo ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at kampo ni dating pangulong Joseph Estrada sa Brgy. Bagong Pag-asa sa Quezon City.

Bilang bahagi ng selebrasyon ng kaarawan ng dating pangulo, namahagi si Senator Loi Estrada ng mga groceries sa mga residente ng barangay dakong alas-9 ng umaga.

Ang bawat bag na pinamahagi sa mahigit na 2,000 residente ay may lamang gatas, instant noodles, asukal, sardinas, bigas at biscuits.

Ang pamamahagi ay ginanap sa harapan ng Philippine Science High School sa kahabaan ng Agham Road sa lungsod.

Kaugnay nito, di-kalayuan sa lugar ay nagsagawa naman ng medical mission ang kampo ni Pangulong Arroyo kung saan namahagi ang mga ito ng libreng gamot sa mga mahihirap na residente.

Bagamat dalawang magkalabang kampo ang nagsagawa ng pro-poor mission, nagpahayag naman ng kagalakan ang mga residente.

Batay sa ulat, ang medical mission ni GMA ay tatagal ng tatlong araw sa Agham Road na inaasahang makaka-accommodate ng mahigit sa 10,000 residente. (Ulat ni Angie dela Cruz)

AGHAM ROAD

ANGIE

BAGAMAT

BAGONG PAG

JOSEPH ESTRADA

PANGULONG ARROYO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PHILIPPINE SCIENCE HIGH SCHOOL

QUEZON CITY

SENATOR LOI ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with