Caltex building pinaulanan ng pintura ng militanteng grupo
April 18, 2002 | 12:00am
Nagkulay pula at itim ang gusali ng Caltex makaraang hagisan ito ng pintura ng militanteng grupo na nagsagawa ng kilos protesta upang hilingin na mai-rollback ang presyo ng gasolina, kahapon ng umaga sa Makati City.
Nagrali ang mga grupo ng Anakbayan, Kabataang Kontra Kartel at Kilusang Mayo Uno sa harap ng tanggapan ng Caltex sa Makati City para umano tutulan ang napipintong pagtataas muli ng presyo ng gasolina.
Kinondena ng grupo ang tatlong dambuhalang oil companies, ang Caltex, Petron at Shell na siyang nangunguna sa pagtataas ng presyo ng gasolina sa susunod na dalawang linggo.
Nagbanta pa ang militanteng grupo na hindi sila titigil sa pagsasagawa ng kilos-protesta kapag hindi pinigil ang pagtataas ng presyo ng gasolina. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended