Milyonaryang 'killer' ng nurse kakasuhan ng murder
April 16, 2002 | 12:00am
Sasampahan ngayon ng kasong murder ang isang milyonaryang ginang na bumaril at pumatay sa isang nurse noong Biyernes ng umaga sa Las Piñas City.
Ayon sa Las Piñas City Police, isasampa na nila ang kasong murder sa Las Piñas City Prosecutors Office laban sa suspek na si Merry Beth Prieto de Leon-Lopez, 57, ng #104 Dan St., Ayala-Alabang Village, Muntinlupa City, nabibilang sa angkan ng Madrigal.
Sa imbestigasyon ng pulisya, binaril at napatay umano ni Lopez ang biktimag si Belma Andrada, 43, may-asawa, ng #16 Chico st., Golden Acres, Brgy. Talon, Las Piñas City noong Biyernes, dakong alas-7:30 ng umaga sa kanto ng Elizalde st. at Tropical Ave., BF International Resort Village, ng lungsod na ito.
Sa teorya ng pulisya, maaaring kinumpronta ni Lopez si Andrada dahil posibleng may kinalaman ang biktima sa umanoy pambababae ng asawa ng suspek.
Dahil tumanggi umanong magbigay ng impormasyon ang biktima ay posibleng nagalit ang suspek kaya binaril at napatay si Andrada.
Samantala, labis na nangangamba ang kaanak ni Andrada na "ma-whitewash" ang kaso nito dahil sa maimpluwensiya at mayaman umano si Lopez.
Nabatid na may lumabas na unconfirmed report na inaareglo umano ng kaanak ng suspek ang ilang pulis sa Las Piñas upang hindi lamang maisampa ang kaso nito at tatakas umano ito sa bansa.
Sa panig naman ng Las Piñas City Police, sinabi ng mga ito na walang katotohanan ang mga akusasyon at tiniyak na walang magaganap na whitewash sa naturang kaso. Katunayan anila ay isasampa na ngayon ang kasong murder laban sa suspek. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest