Pulis-WPD nasa 'hot water' sa pagpuga ng preso
April 15, 2002 | 12:00am
Posibleng matanggal sa kanyang tungkulin ang isang pulis-Maynila matapos na matakasan ng isang babaeng preso kamakalawa ng tanghali sa Ermita, Maynila.
Kinasuhan si PO3 Edgardo Silva, 39, nakatalaga sa Pandacan Police Station ng evasion thru negligence makaraan na matakasan ng isang preso na nakilalang si Girlie Bobilya noong Sabado habang kumakain umano sa isang restaurant sa Ermita dakong alas-12:30 ng tanghali.
Ang pagpuga ni Bobilya ay inilihim pa ng ilang tauhan ng WPD-PS 10 subalit hindi rin ito nakaligtas sa mga mamamahayag.
Sa pahayag ni PO3 Silva kay C/Insp. Marcelino Pedrozo ng WPD-General Assignment Section na nagpaalam umano si Bobilya na tatawag lamang sa telepono subalit nang siya ay makalingat ay tumakas ito.
Patuloy ang pagsisiyasat ng mga awtoridad sa insidente kung mayroong naganap na sabwatan sa pagtakas ni Bobilya na nahaharap sa kasong estafa. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended