^

Metro

GRO tumanggi sa sex ginulpi ng Intsik

-
Nagkulay talong ang katawan at namamaga pa ang mukha ng isang magandang Guest Relation Officer (GRO) nang gulpihin ng isang Chinese national na nagalit matapos hindi napabigyan sa hinihingi nitong panandaliang aliw sa loob ng VIP room ng isang videoke club kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Paika-ika na nagtungo sa pulisya ang biktima na nakilalang si Aileen Mella,18, ng Baesa st., SFDM, QC para ipagharap ng reklamo ang hindi pa nakikilalang kostumer na Intsik.

Sa reklamo ni Mella, naganap ang insidente dakong alas-3 ng madaling araw sa loob ng VIP room ng Valiant KTV na nasa Scout Tobias kanto ng Timog Ave.

Humihiling umano ang suspek sa biktima ng ‘quick sex’ subalit magalang na tumanggi ang huli.

Nagwala umano ang suspek at pinag-gugulpi ang biktima hanggang sa ito ay mawalan ng malay tao.

Nang magkamalay ang biktima ay wala na ang suspek. (Ulat ni Jhay Mejias)

vuukle comment

AILEEN MELLA

BAESA

GUEST RELATION OFFICER

HUMIHILING

INTSIK

JHAY MEJIAS

MELLA

QUEZON CITY

SCOUT TOBIAS

TIMOG AVE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with