Namatay sa lugar nang pinangyarihan ang biktima na nakilalang si Reynaldo Soriano, 29, ng Baltazar st., Pasig City dahil sa mga tinamong saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Ang suspek na alyas James Tisoy, walang permanenteng tirahan ay agad na tumakas.
Sa report ng pulisya, dakong alas-8:45 ng umaga nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Labao st., Brgy. Liguid, Tipas.
Kinompronta at pinaaalis ng suspek na isa ring taho vendor ang biktima nang makita nito na nagtitinda sa kanyang puwesto.
Sinagot umano ng biktima ang suspek nang pabalang na wala itong karapatan na siya ay pagbawalan sa puwesto dahil sa pampubliko ang lugar.
Sa puntong ito ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa mapikon ang suspek at kinuha ang patalim na nakatago sa ilalim ng lalagyan ng sago at inundayan ng maraming beses sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)