Anak na dalaga ni Chavit, huli sa di pagbabayad ng parking fee
April 14, 2002 | 12:00am
Bumagsak sa Police Community Precinct 6 ang 20-anyos na umanoy anak ni dating Ilocos Governor Chavit Singson makaraang habulin ito sa hindi pagbabayad ng parking fee sa Dela Rosa Car Park 2, Legaspi Village, Makati City, kahapon ng hapon.
Kinilala ang dalaga na si Richelle Louise Singson, ng LCS Bldg., San Andres Bukid, Manila. Kasama ni Richelle ang kaibigan na sina Quinnito Rivea, 23, binata, estudyante, at Rommel Rivera, 28, kapwa ng Mandaluyong City.
Sa imbestigasyon, dakong alas-4:30 ng hapon nang lumabas sa parking station ang sasakyan ni Singson na isang itim na Mitsubishi Pajero, may plakang TKZ-290.
Nabatid na nawala umano ang parking ticket ni Singson kaya nang senyasan ito ng guwardiya na huminto upang singilin ay nahintakutan ito at itinuloy na lamang ang sasakyan palabas.
Nabigla ang guwardiya sa inasal ng driver kaya hinabol ang sasakyan at sa mabilis na responde ng Makati Police ay naabutan ang naturang Pajero.
Nang sitahin ay nadiskubre na expired ang lisensya, walang official receipt at certificate of registration (OR/CR) ng sasakyan ang suspek.
Ikinatwiran ng suspek na nakalimutan lamang nilang dalhin ang mga papeles na hinahanap sa kanila na napatunayan din makaraang lumutang sa istasyon ng pulisya ang nagdala ng mga dokumento sa naturang sasakyan.
Gayunman ay nagbayad ng P180 si Singson sa guwardiya ng Premium Security Agency na si Norberto Salmo matapos na ipa-blotter nito ang ginawang pagtakas umano ng sasakyan sa loob ng parking station. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 4, 2024 - 12:00am
November 2, 2024 - 12:00am