^

Metro

Nurse binoga ng milyonarya, todas

-
Isang nurse ang nasawi nang barilin ng isang milyonaryang ginang sa hinalang nagtatago ng impormasyon tungkol sa umano’y pambababae ng mister ng huli kamakalawa ng gabi sa Las Piñas City.

Hindi na nakarating ng buhay sa Las Piñas Doctors Hospital ang biktmang si Belma Andrada, 43, may asawa, ng #16 Chico st., Golden Acres, Brgy. Talon, ng lungsod na ito sanhi ng tama sa dibdib buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Samantala, kaagad na tumakas ang suspek na nakilalang si Merry Beth Lopez, 57, may-asawa, ng #104 Dan st., Ayala-Alabang Village, Muntinlupa City, nabibilang sa angkan ng pamilya Madrigal.

Ayon sa salaysay ni Wences Tablang, 31, binata, ng B1 L3 Opel st., Brickstoneville, Camarin, Caloocan City, driver-bodyguard ng suspek kay SPO4 Ben Javier, ng Criminal Investigation Division (CID), Las Piñas City Police, naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng umaga sa kanto ng Elizalde st. at Tropical Ave., BF International Resort Village, Las Piñas.

Sakay ang suspek at ang mister nito ng kanilang BMW nang tunguhin ang bahay ng biktima upang komprontahin hanggang sa nauwi sa mainitang pagtatalo.

Dahil dito ay kinuha umano ng suspek ang nakatago nitong baril at pinaputukan ang biktima.

Kaagad namang isinugod sa nabanggit na ospital ang biktima habang mabilis namang tumakas ang suspek. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

AYALA-ALABANG VILLAGE

BELMA ANDRADA

BEN JAVIER

CALOOCAN CITY

CITY POLICE

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

DOCTORS HOSPITAL

GOLDEN ACRES

INTERNATIONAL RESORT VILLAGE

LAS PI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with