^

Metro

Dalagita burles na nakatakas sa rapist

-
Tumakas na hubo’t hubad ang isang 16-anyos na dalagita mula sa kamay ng kumpare ng kanyang ina makaraang ilang ulit siyang gahasain at lasingin nito sa alak, kamakalawa ng gabi sa bayan ng Taguig.

Ang biktima ay itinago sa pangalang Angelica, ng Cabuyao, Brgy. Western Bicutan, bayang ito.

Samantala, kaagad namang nadakip ang suspek na si Adriano Galindez, 52, hiwalay sa asawa, ng nabanggit na lugar.

Ayon sa report na natanggap ng Task Force Bantay, base na rin sa salaysay ng biktima, simula pa noong Setyembre 2001 ay ginagahasa na siya ng suspek sa tuwing wala ang ina na pumapasok sa trabaho.

Sinabi ng dalagita na kumpare ng kanyang ina ang suspek at sa tuwing siya ay pinagsasamantalahan nito, nilalasing muna siya nito ng gin.

Tinatandaan umano ng lalaki ang buwanang bisita ng dalagita upang hindi ito mabuntis, minamarkahan ang kalendaryo at saka isinasagawa ang panghahalay.

Dakong alas-8 kamakalawa ng gabi, habang nasa trabaho ang ina, pumasok si Galindez sa kanilang bahay para muling isagawa ang panghahalay.

Nabatid na uminom ng dalawang bote ng gin ang lalaki at tangkang painumin na naman ng alak ang dalagita pero bago niya ito pinainom ay hinubaran niya ang biktima habang tinututukan ng patalim sa leeg.

Nakalingat ang suspek kaya’t nagkaroon ng pagkakataon na makatakas at magtatakbo ang biktima kahit hubo’t hubad at humingi ng saklolo sa kapitbahay nitong si Danlulo Lozada.

Kaagad na tinulungan ni Lozada ang dalagita at pinuntahan ang suspek na nadakip sa aktong papatakas na.

Sa ngayon ay nakakulong sa Taguig Police detention cell ang suspek at nahaharap sa kasong multiple rape.

Katwiran ng dalagita, kaya ngayon lamang siya nagharap ng reklamo ay nagbabanta ang suspek na papatayin ang kanyang ina. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ADRIANO GALINDEZ

AYON

BRGY

CABUYAO

DANLULO LOZADA

LORDETH BONILLA

SUSPEK

TAGUIG POLICE

TASK FORCE BANTAY

WESTERN BICUTAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with