^

Metro

P25-M high powered guns nakumpiska sa NAIA

-
Kinumpiska kahapon ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang apat na kargamento na naglalaman ng iba’t ibang matataas na kalibre ng baril, explosives at iba pang military warfare na nagkakahalaga ng P25 milyon.

Sa ulat ni Fernadino Tuason, hepe ng CIIS, ang naturang shipment ay nagmula sa Hecklers and Koch, Great Britain at naka-consign sa Trimark Ventures Corp. sa Makati City na pag-aari ni Ferdinand Trinidad.

Dumating ang shipment buhat sa Great Britain via Scoul, South Korea lulan ng Korean Air flight 621 noong Marso 29 at pansamantalang inimbak sa Pair Cargo, isa sa mga bodega ng BoC.

Ayon kay Victor Asuncion, intelligence agent ng CIIS, na nakadiskubre sa kargamento, ginawaran ng alert order ang shipment matapos makita sa x-ray machine ang hugis baril na imahe sa loob ng kahon.

Hindi muna umano binuksan ang mga kahon habang nagsasagawa ng masusing verification kung lehitimong transaksyon ang shipment, subalit nang makumpirmang walang packing list at kaukulang permit sa pag-iimport ng mga baril, kaagad itong kinumpiska at ginawaran ng warrant of seizure and detention.

Personal na pinamahalaan ni BoC Commissioner Antonio Bernardo, Deputy Commissioner Ray Allas at NAIA District Collector Celso Templo ang pagbubukas ng kahon kung saan tumambad ang ilang pirasong HK-G36, assault rifle, HK caliber .45 pistol, MP5K personal defense weapon (PDW) explosives, biological suit, magazines at bullet-proof vest.

Nabatid kay Allas na pito pang shipment umano ng Trimark ang dumating. Lima sa naturang shipment na pawang walang kaukulang permit ang inabandona samantalang ang ikaanim naman ay itinurn-over na sa Firearms and Explosives Unit.

Pinabulaanan naman ni Trinidad na illegal ang shipment dahil ang mga baril ay order umano ng AFP at PNP para sa anti-terrorism campaign nito. (Ulat ni Butch Quejada)

BUREAU OF CUSTOMS

BUTCH QUEJADA

COMMISSIONER ANTONIO BERNARDO

CUSTOMS INTELLIGENCE AND INVESTIGATION SERVICE

DEPUTY COMMISSIONER RAY ALLAS

DISTRICT COLLECTOR CELSO TEMPLO

FERDINAND TRINIDAD

FERNADINO TUASON

FIREARMS AND EXPLOSIVES UNIT

GREAT BRITAIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with