Estudyante basag ang ulo sa palo ng tubo
April 12, 2002 | 12:00am
Namatay dahil sa pagkabasag ng bungo ang isang 23-anyos na estudyante matapos na paluin ng tubo ng isang jeepney driver na naasar dahil nakisagot ito sa away ng una.
Hindi na nagawa pang iligtas ng mga doktor sa Rizal Medical Center ang biktimang si Jeffrey Casas, binata, ng #12 Dr. Sixto Ave., Brgy. Rosario, Pasig City.
Isang manhunt operation naman ngayon ang isinasagawa upang maaresto ang tumakas na suspek na si Fernan Cruz, ng Rayos Compound, Dr. Sixto Ave., Brgy. Rosario.
Sa ulat ni PO3 Efren Calix, imbestigador, naganap ang insidente dakong alas-10 ng gabi sa Dr. Sixto Ave. Sakay ng isang pampasaherong jeep ang biktima at papauwi na nang makagitgitan nila ang jeep na minamaneho naman ni Cruz.
Nagkaroon ng komprontasyon sa pagitan ng dalawang driver ngunit nabatid na nakisagot umano ang biktima sa suspek na lalong ikinainit ng ulo ng huli. Dahil sa inakalang kasama ito ng kalabang driver, pinagpapalo ng suspek ang biktima. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended