^

Metro

Nene nakulong sa van, tepok

-
Angulong suffocation at carbon monoxide poisoning ang posibleng naging dahilan ng kamatayan ng isang 5-anyos na batang babae makaraang ito ay makulong at makatulog sa loob ng isang van kahapon ng umaga.

Ang biktima ay kinilalang si Imee Princess Junio ng 389 Espino St., Zone 5, Signal Village, Taguig, Metro Manila.

Base sa paunang ulat na ipinalabas ng isa sa staff ng Public Information Office ng Taguig Municipal Hall, may lumilitaw na dakong alas-10 ng umaga ng matuklasan na wala ng buhay ang biktima makaraang matagpuan ito ng ama na kinilalang si Robert Junio sa likurang bahagi ng Besta van na may plakang WBS-962 na nakaparada sa likuran ng bahay ng mga ito.

Nabatid na hinahanap umano ang biktima makaraang manggaling ito sa isang lakaran nang ito ay matuklasan ng ama na nasa loob lamang ng kanilang sasakyan.

Nang makita ng ama ang biktima ay agad nitong binuksan ang van at ginising ito ng ilang ulit hanggang sa maalarma na lamang ang ama dahil hindi ito kumikibo at wala na ring pulso.

Agad na isinugod ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan ngunit hindi na rin ito nailigtas.

Samantala ay nauna nang nagpalabas ng ulat ang Taguig Police nang sabihin nitog posibleng bangungot ang ikinamatay ng bata.Gayunman ilang eksperto ang nagbigay ng kanilang kuro-kuro na posibleng carbon monoxide inhalation ang naging sanhi ng kamatayan ng bata.

Sinabi ng isang eksperto sa gas poisoning na humiling na huwag banggitin ang pangalan na ang carbon monoxide ay isang silent at invisible killer.

Ang carbon monoxide ay colorless, odorless at kapag nasinghot nang biktima ay nakakapagdulot ng dagliang pagkahilo at pagkaantok. Madalas na nagaganap ang carbon monoxide poisoning sa loob ng sasakyan na kulob at mayroong leak.

Iminungkahi ng eksperto na dapat na i-awtopsiya ang bata upang malaman kung ito nga ay mayroong nasinghot na carbon monoxide. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ESPINO ST.

IMEE PRINCESS JUNIO

LORDETH BONILLA

METRO MANILA

PUBLIC INFORMATION OFFICE

ROBERT JUNIO

SIGNAL VILLAGE

TAGUIG MUNICIPAL HALL

TAGUIG POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with