Ex-Army todas, driver kritikal sa ambush
April 11, 2002 | 12:00am
Isang dating militar at nagsisilbing bodyguard ng may-ari ng isang money changer ang nasawi habang nasa kritikal na kalagayan ang driver nito matapos na ambusin ng dalawang di kilalang lalaki na nakasakay ng motorsiklo sa Lagusnilad, tapat ng Manila City Hall kahapon ng tanghali.
Hindi na umabot ng buhay sa Manila Doctors Hospital ang biktimang si Dante Castro,56,dating kagawad ng Philippine Army sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa katawan habang kritikal ang driver nitong si Allan Divisora.
Mapalad at hindi tinamaan ng bala si Kim Aying, 34, kasama ng mga biktima sa kotse at empleyado ng RPM money changer na pag-aari ng isang Eduardo Co na matatagpuan sa Mabini st.,Ermita.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, lulan ng Nissan Bluebird (DJM-400) ang biktima na galing sa Metro Bank, Binondo branch at may dalang P2 milyong cash na winidraw.
Pagdating sa Lagusnilad, dakong alas-12:50 ng tanghali ay naipit sa trapik ang sasakyan ng mga biktima nang biglang sumulpot sa harapan ang dalawang lalaki at agad na pinaulanan ng bala ang mga biktima.
Hindi tinamaan ng bala si Aying dahil sa naipailalim ito nang bumagsak sa kanya ang katawan ni Castro.
Matapos na barilin ay tinangay ng mga suspek ang perang dala ng mga biktima.
Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang siyam na basyo ng .9mm kalibreng baril na ginamit ng suspek. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest