3,000 mahihirap na pasyente biniyayaan ng PAGCOR
April 9, 2002 | 12:00am
MAHIGIT na 3,000 na mahihirap na pasyente ang nabiyayaan ng libreng medical at dental consultations mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporations (PAGCOR). Namahagi rin ang PAGCOR ng libreng gamot sa nasabing bilang ng mga pasyente na bumati rin kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa kaniyang kaarawan sa Quirino Grandstand kamakailan.
Ang nasabing programa ay pinapurihan ni PAGCOR Chairman Efraim C. Genuino na nangako na magsasagawa pa ng mas marami pang outreach program upang makatulong sa kampanya ng pamahalaan na matugunan ang pangunahing sa kalusugan ng mga mamamayan.
Kabilang sa mga PAGCOR Corporate offices na tumulong sa nasabing outreach program ay ang Casino Filipino sa Pavillon, Silahis at Heritage.
Mga boluntaryong doktor at mga dentista mula sa ibat ibang pagamutan sa Maynila ay nagkaloob din ng kanilang tulong bilang handog sa kaarawan ni GMA. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended