16-anyos patay sa frat war
April 9, 2002 | 12:00am
Binaril at napatay ang isang 16-anyos na binatilyo matapos itong tambangan ng limang kabataang lalaki na umanoy kalaban ng una sa fraternity kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Dead-on-arrival sa Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital sanhi ng tama ng di-nabatid na kalibre ng baril sa dibdib ang biktimang si Wilfredo dela Cruz, estudyante at residente ng Phase 3 Pkg. 2 Blk. 47, Lot 6, Bagong Silang ng nabanggit na lungsod.
Samantala, isang manhunt operation naman ang isinagawa ng mga awtoridad laban sa limang di-nakilalang mga suspek na agad na tumakas matapos ang pamamaril.
Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni PO1 Reynaldo Placido ng Station Investigation Bureau (SIB) dakong alas-9:30 ng gabi nang maganap ang insidente di kalayuan sa bahay ng biktima.
Napag-alaman na kasalukuyang naglalakad ang biktima papauwi sa kanilang bahay nang bigla na lamang itong harangin ng mga suspek at saka binaril sa dibdib at pagkatapos ay mabilis na tumakas papunta sa hindi mabatid na direksyon.
Base naman sa imbestigasyon ng pulisya, ang mga suspek at miyembro ng kalabang fraternity na kinaaaniban ng biktima ay magkalaban kayat posible umanong paghihiganti ang motibo ng pamamaslang. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am