OFW todas sa agaw-cellphone
April 9, 2002 | 12:00am
Isang 33-anyos na overseas Filipino worker (OFW) ang nasawi makaraang saksakin ng isa sa dalawang armadong lalaki nang tangkain nitong bawiin ang kanyang natangay na cellphone sa Ermita, Manila, kamakalawa ng gabi.
Namatay noon din ang biktimang si Julius Ebreo, may-asawa, ng #9 Adelfa St., Doña Manuela Subd., Las Piñas City sanhi ng tinamong saksak sa dibdib mula sa isa sa dalawang hindi pa nakikilalang suspek.
Sa imbestigasyon ng WPD-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-9 ng gabi sa panulukan ng Taft Ave. at Pedro Gil St. sa Ermita.
Ayon sa pulisya, naglalakad ang biktima sa nabanggit na lugar nang biglang harangin ng dalawang lalaki na armado ng patalim at nagpahayag ng holdap.
Makaraang makuha ang pakay ng mga suspek, tinangkang agawing muli ng biktima ang kanyang cellphone. Dahil sa takot na baka may makapansing tao sa komosyong nagaganap, nagpasya ang isa sa dalawang suspek na saksakin na lamang ang biktima ng ilang ulit sa dibdib na siyang ikinamatay agad nito. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended