^

Metro

6 buwan kulong hatol sa ginang na nanuhol ng NBI

-
Hinatulan ng anim na buwan na pagkabilanggo ng Manila Regional Trial Court ang isang ginang matapos na ito ay mapatunayang nagkasala ng panunuhol sa mga ahente ng NBI noong 1997.

Bukod sa pagkakulong ay pinagmumulta rin ni Judge Mario Guarina III ng Branch 13 ng halagang P150,000 ang akusadong si Angelina Granado.

Sa rekord ng korte, noong Nob. 7, 1997 ay ginalugad ng mga ahente ng NBI Special Task Force ang bahay ng kapatid ni Granado na si Victoriano Halili sa Cuyab, San Pedro, Laguna at umano ay nakakuha dito ang mga NBI ng 200 gramo ng shabu.

Sa salaysay ng dalawang NBI agents na sina Rommel Vallejo at Dave Segunial na habang kanilang ginagalugad ang bahay ay inalok sila ni Granado ng halagang P98,820.00 para pawalan ang kapatid.

Mapilit si Granado kaya’t gumawa ng isang entrapment operation si Vallejo na nagresulta sa pagkaaresto dito. (Ulat ni Andi Garcia)

ANDI GARCIA

ANGELINA GRANADO

BUKOD

DAVE SEGUNIAL

JUDGE MARIO GUARINA

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

ROMMEL VALLEJO

SAN PEDRO

SPECIAL TASK FORCE

VICTORIANO HALILI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with