^

Metro

Pakialamero sa away ng mag-asawa, sinaksak

-
Ang pakikialam ng isang lalaki sa away ng isang mag-asawa ang naging dahilan ng pagkakaospital nito matapos na saksakin ng lalaki kamakalawa ng gabi sa Pasig City.

Grabe sa pagamutan ang biktimang si Ricardo Saldore, 45, ng Villa Atacio ng lungsod na ito dahil sa dalawang tama ng saksak sa katawan.

Ang suspek na nakatakas ay nakilalang si Verlito Sta. Ana, 30, na kapitbahay ng biktima.

Sa imbestigasyon, nag-aaway dakong alas-11 ng gabi ang suspek at ang asawa nito.

Dahil sa ingay ng mag-asawa ay lumabas sa kanyang bahay ang biktima at nakiusyoso.

Hindi nito mapigilan ang sarili sa kanyang nakikita na pang-aapi umano ng suspek sa kanyang asawa kung kaya’t pumagitna ito at nakialam.

Naasar ang suspek at ang galit nito sa asawa ay kanyang binaling sa biktima at ito ay kanyang sinaksak ng dalawang beses. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ASAWA

DAHIL

GRABE

LORDETH BONILLA

NAASAR

PASIG CITY

RICARDO SALDORE

ULAT

VERLITO STA

VILLA ATACIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with