^

Metro

Carnapper nasukol sa habulan

-
Isang lalaki na pinaghihinalaang miyembro ng carnapping syndicate ang nasakote ng mga awtoridad matapos ang ilang minutong habulan sa kahabaan ng Taft Avenue kanto ng Quirino Ave., Malate, Maynila kahapon ng madaling araw.

Nakakulong ang suspek na si Christopher Macatani ng Padre Faura st., matapos maaresto habang itinatakas ang kinarnap nitong kulay puting Suzuki Vitara van (WRM-335) na pag-aari ng isang Earl Osorio, 36, ng Pres.Quirino Ave., Pandacan.

Sa salaysay ng biktima, dakong ala-1:15 ng madaling araw ay iniwan nitong nakaandar ang kanyang van para isara lamang ang kanyang tindahan sa tapat nito.

Ilang minuto ang nakakalipas matapos na maisara ang tindahan ay bumalik na ito sa kanyang sasakyan at nagulat na ang suspek ay nakasakay na sa kanyang sasakyan at mabilis na pinaharurot.

Matapos na nakahingi ng tulong sa pulisya ang biktima ay nagkataon na dumaan sa kanyang harapan ang van.

Sumakay ng taxi ang biktima kasunod ang mobile cars ng WPD at kanilang hinabol ang suspek.

Eksakto namang nag-kulay pula ang traffic light kaya’t huminto ang suspek sabay na bumaba ang mga pulis at kanilang tinutukan ng baril ang suspek at inaresto.

Nauna rito ay nagpaikut-ikot pa umano sa Kalaw ang suspek para mamik-ap ng babae at nang walang makuha ay tinahak nito ang Taft Avenue upang makipagkita sa isang nangangalang "Popoy" sa Edsa-Rotonda na siyang bibili ng kanyang ninakaw na van. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

CHRISTOPHER MACATANI

EARL OSORIO

EDSA-ROTONDA

EKSAKTO

ELLEN FERNANDO

ILANG

PADRE FAURA

QUIRINO AVE

SUZUKI VITARA

TAFT AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with