^

Metro

Nag-ala Randy Santiago sinaksak ng 2 gf

-
Bababaero, bababaero, bababaero daw ako...

Ito ay hango sa sumikat na awit ni Randy Santiago, na kung minsan ay nagdudulot ng hindi mabuti sa isang tao.

Napatunayan ito ni Raul Miriaste, 39, na sinaksak umano ng dalawang babae na pawang kasintahan nito sa loob ng kanyang bahay sa Venus st., Erville Subdivision,Pasig City.

Si Miriaste ay nagtamo ng dalawang saksak sa sikmura at ligtas na ang kalagayan sa Pasig City General Hospital.

Kinilala ni Supt. John Sosito, hepe ng pulisya ng lungsod na ito ang mga nakatakas na suspek na sina Cherry Soreso, 29, ng Urbano Velasco st., Brgy. Pinagbuhatan at Rosenable Freedom, 28, ng Brgy. Buting matapos ang pananaksak.

Ayon kay Sosito, na ang biktima ay kasintahan sina Soreso at Freedom na pawang walang kaalam-alam na sila ay kapwa niloloko ni Miriaste.

Pero hindi lahat ng oras ay sinusuwerte si Miriaste dahil dakong alas-8 kamakalawa ng gabi ay sabay na bumisita sa kanyang tahanan ang dalawa niyang kasintahan.

Nang buksan ni Miriaste ang pinto ng kanyang bahay ay sabay na nagsabi ang dalawang babae na "hi love".

Nagulat ang dalawang babae at doon nila nalaman na sila ay kapwa kasintahan ni Miriaste.

Sa halip na mag-away ang dalawang babae ay nagkampi ang mga ito at kanilang pinagsasampal, sinabunutan, kinalmot ang mukha at ibang parte ng katawan nito.

Hindi pa nakuntento ang dalawang babae ay pumasok ito sa kusina at kumuha ng patalim at kanilang sinaksak ang babaero nilang kasintahan.

Nang duguang bumagsak sa sala ang biktima ay mabilis na tumakas ang dalawang babae. (Ulat ni Non Alquitran)

vuukle comment

BRGY

CHERRY SORESO

DALAWANG

ERVILLE SUBDIVISION

JOHN SOSITO

MIRIASTE

NANG

NON ALQUITRAN

PASIG CITY

PASIG CITY GENERAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with