3 lalaki sinalvage sa Ermita
April 6, 2002 | 12:00am
Tatlong lalaki kabilang ang isang miyembro ng Sputnik Gang ang natagpuang patay sa loob ng isang puting van na nakaparada sa isang lugar sa Ermita, Maynila na hinihinalang biktima ng salvage kamakalawa ng gabi.
Isa sa mga biktima na kinilala ng kanyang ina na si Jonaf Vargas, 24-anyos.
Samantala hindi pa rin kilala ng mga awtoridad ang dalawa pang biktima na ang edad ay nasa pagitan ng 35-40, may taas na 55, miyembro ng Sputnik Gang habang ang isa naman ay nasa pagitan ng 30-40 ang edad,may taas na 54 hanggang 55, mataba, malaki ang tiyan at pawang naka-shorts na maong.
Sa imbestigasyon ni Det.Norberto Obrero ng WPD-Homicide Section, dakong alas-11:30 ng gabi nang matagpuan ang mga biktima sa loob ng isang kulay puting Suzuki Vitara (NJV-656) habang nakaparada sa #729 J.Nakpil st., kanto ng Vasquez st.
Sa salaysay ng isang Earl Querrol, 27, pastor ng Jesus Reigns Ministries, naglalakad umano siya nang mapansin ang nasabing sasakyan at dala ng kuryusidad ay sinilip niya ito at nakita nito sa loob ang tatlong lalaking pawang mga patay na.
Nakaprenteng nakaupo ang mga biktima at pawang may mga nakasabit sa leeg na "PAG HOLDAPER PATAY"; "HUWAG MAGNAKAW" at "HOLDAPER KAMI" kayat agad niyang ipinagbigay alam sa pulisya.
Ang mga biktima ay may bakas na pagkatali sa kanilang mga kamay at maaaring pinahirapan muna bago pinatay sa sakal ng hindi pa nakikilalang mga suspek.
Nakuha ng mga awtoridad sa katawan ng mga biktima ang dalawang kalibre .38 baril na may tatlong bala at isang balisong.
Nag-utos si WPD Dir. Nicolas Pasinos sa kanyang mga tauhan na bilisan ang imbestigasyon dahil sa nagaganap na sunud-sunod na salvaging sa lugar ng Ermita. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended