^

Metro

Preso nagpatiwakal sa araw ng kanyang birthday

-
Dahil sa sobrang kalungkutan sa loob ng bilangguan, isang 23 anyos na preso na hinatulan sa kasong robbery ang nagpakamatay sa araw mismo ng kanyang kaarawan sa loob ng selda kahapon ng umaga sa Manila City jail.

Patay na nang matagpuan ang biktima na si Richie Osmeña ng 1764-B Sandojas st., Alabang, Muntinlupa City.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, dakong alas-8 ng umaga nang makita ang biktima ng kapwa nito inmates na nakabigti.

Bago naganap ang pagpapatiwakal ng biktima, ito ay dinalaw pa ng kanyang asawa na si Rosalinda, 22, para batiin ito ng happy birthday.

Sa pahayag naman ni Rosalinda,na dumaing sa kanya ang asawa dahil ito ay nababagot na sa loob ng kulungan at nagpahayag na magpapakamatay na lamang kaysa tumagal pa sa kulungan.

Hindi pinansin ni Rosalinda ang banta ng asawa,dahil sa inaakalang hindi nito totohanin ang kanyang balak.

Nagulat na lamang ito ng ibalita sa kanya na nagpakamatay ang kanyang asawa na nahatulan ng limang taong pagkabilanggo sa kasong pagnanakaw. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

ALABANG

B SANDOJAS

DAHIL

ELLEN FERNANDO

MANILA CITY

MUNTINLUPA CITY

NAGULAT

PATAY

RICHIE OSME

ROSALINDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with