^

Metro

Kalidad ng IT education itaas hinirit sa CHED

-
Nagsagawa ng rali kahapon sa harap ng Commission on Higher Education (CHED)ang mga nagsipagtapos ng Information Communication Technology (ICT) at nanawagan sa pamahalaang Arroyo na itaas ang antas ng kalidad ng edukasyon sa mga pang-teknolohiyang paaralan sa bansa upang maging daan ito tungo sa pagkakaroon ng trabaho na angkop sa tinapos nilang kurso.

Dala ng mga ito ang isang napakalaking toga na simbolo sa pagtanggap nila ng diploma ang mga nagsipagtapos sa ICT schools sa Metro Manila, Bicol, Cebu, Bacolod, Cagayan de Oro, Davao at iba pa ay nagmartsa mula sa Kapitolyo sa Pasig hanggang sa CHED compound at nagkakaisang tinig ang kanilang idinaing sa kasalukuyang pamahalaan partikular kay CHED chairman Manule Punzal, na kabilang pa rin sila sa mga walang trabaho sa kabila ng paggugol nila ng malaking salapi at panahon sa pag-aaral.

Sa pahayag ng Union of Fresh Leadership (U-Lead), isang non-government organization ng mga dating aktibista at mga kabataang lider sa buong bansa, muli silang nagsama-sama sa street parliament upang sa pagkakataong iyon ay makipagkaisa sa mga IT graduates sa paglalantad ng tunay na kalagayan ng mga nagsipagtapos ngayong taon at ng mga nauna pa rito.

Ayon kay Larry D. Madarang, spokesperson ng U-Lead, "dapat i-monitor ng gobyerno kung ano ang kalagayan ng mga IT schools at kung puwede ay itulak ang mga ito na magpakita ng school employment success at i-prove ang kanilang kuwalipikasyon at kakayahan sa larangan ng employment rate mula sa bilang ng mga graduates na galing sa kanila."(Ulat ni Danilo Garcia)

AYON

DANILO GARCIA

HIGHER EDUCATION

INFORMATION COMMUNICATION TECHNOLOGY

LARRY D

MANULE PUNZAL

METRO MANILA

U-LEAD

UNION OF FRESH LEADERSHIP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with