Nag-agawan sa pasahero, trike driver todas
April 4, 2002 | 12:00am
Napatay ang isang tricycle driver habang ang nakaaway nito ay nasa kritikal na kalagayan matapos na magduwelo sa patalim bunga ng pag-aagawan sa pasahero kamakalawa ng hapon sa Quezon City.
Hindi na naisalba ng mga doktor sa Fairview General Hospital ang biktimang si Hercules Amor, 39, ng Pamanay st.,East Fairview habang ang suspek na si Jonas Palabay, 31 ng Upper Nawasa, Brgy. West Fairview ay nasa ospital ng East Avenue Medical Center ay grabe ang sitwasyon.
Nangyari ang insidente dakong alas-4 ng hapon sa terminal ng tricycle sa Bulok st., nang magtalo ang dalawa sa isang pasahero na naisakay ng biktima.
Nakita na lamang ng ilang kasamahan na kapwa armado ng patalim ang dalawa at nagduduwelo.
Unang tinamaan ang biktima sa katawan, subalit gumanti ito at tinamaan din ang suspek.
Natigil ang pagsasaksakan ng mga ito ng kapwa sila bumulagta sa semento. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest