^

Metro

MMDA handa na sa funeral march ni Rico Yan

-
Nakahanda na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa traffic rerouting plan ngayong araw na ito upang maging maayos ang paghahatid sa huling hantungan ng yumaong aktor na si Rico Yan sa Manila Memorial Park sa Parañaque City.

Sinabi ni MMDA Chairman Benjamin Abalos,inaasahang maraming makikiramay na tagahanga ng batang aktor ang sasama sa paglilibing kaya’t humingi ng tulong ang pamilya ni Rico upang maging maayos ang trapiko sa lugar na dadaanan ng mga makikipaglibing.

Bago ang paghahatid sa huling hantungan ni Rico,ay isang misa ang idaraos dakong alas-9 ng umaga sa La Salle Greenhills Gym kasunod ang paglahok ng 200 motorcade.

Maglalagay naman ng 130 PNP security personnel na magbibigay ng security sa lugar ng paglilibingan.

Si Yan ay binawian ng buhay dahil sa bangungot noong Biyernes Santo habang ito ay nasa kuwarto ng Dos Palmas Resort sa Palawan at nagbabakasyon. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BIYERNES SANTO

CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS

DOS PALMAS RESORT

LA SALLE GREENHILLS GYM

LORDETH BONILLA

MANILA MEMORIAL PARK

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

RICO

RICO YAN

SI YAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with