Engineer binaril habang tumotoma
April 4, 2002 | 12:00am
Hindi na naubos ng isang civil engineer ang kanyang iniinom na alak matapos na ito ay pagbabarilin at mapatay ng dalawang lalaki sa tapat ng kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Namatay noon din sa tama ng bala ng kalibre .38 at .45 na baril ang biktimang si Danilo Lebiste, 39 ng Phase 8-B, Package 18, Blk. 11, Lot 51, Bagong Silang.
Nabatid sa pulisya, dakong alas-10 ng gabi habang nakikipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kaibigang sina Edgar Corbito at Pepito Lagumay ay sumulpot ang mga suspek.
Nagwika pa ang mga ito ng "Walang tatakbo sa inyo" at kaagad na binaril sa hita ang biktima.
Kahit na may tama sa hita ay nakuha pa umano nitong makatakbo sa loob ng bahay at kinuha ang kanyang 9mm na baril at binaril din ang mga suspek.
Subalit dahil sa dalawa ang kalaban ng biktima ay nadehado ito at napuruhan ng mga suspek.
Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek habang inaalam ng pulisya ang motibo sa pamamaslang. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest