12 taon hatol sa pulis na pumatay ng kabaro
April 4, 2002 | 12:00am
Labindalawang taong pagkabilanggo ang hinatol ng hukuman kahapon laban sa isang pulis na nakabaril at nakapatay sa kapwa niya pulis noong nakalipas na Oktubre sa Pasay City.
Sa 11 pahinang desisyon ni Judge Precilla Mijares ng Pasay City Regional Trial Court, Branch 108 hinatulan nito si PO3 Joseph Zuniga, 39, ng Pasay PNP at residente ng San Juan Apartment,San Juan st., ng nasabing lungsod.
Bukod sa nasabing hatol ay inutusan din ng korte na bayaran ng akusado ang naulila ng biktimang si SPO1 Cipriano Liyag ng halagang P50 libo bilang danyos perwisyo.
Sa rekord ng korte, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sina Zuniga at Liyag noong Oktubre 9, 2000 dakong alas-12:05 ng tanghali.
Ang pagtatalo ng dalawa ay nauwi sa duwelo at dito ay napatay ang biktima.
Ibinasura ng korte ang pahayag ng akusado na self defense lamang ang kanyang ginawa dahil sa malakas na ebidensiya ng prosekusyon. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended