^

Metro

Life hatol sa 5 rapist ni Rosalyn Federico

-
Pagkalipas ng halos siyam na taong paghihintay, nakamit na rin ng pamilya ng kontrobersiyal na rape/slay victim na si Rosalyn Federico ang katarungan matapos hatulan kahapon ng habambuhay na pagkabilanggo ang 5 sa 7 akusado ng Pasig City Regional Trial Court.

Bukod sa nasabing hatol ay inatasan rin ni Judge Leili Acebo ng Branch 163 na magbayad ng kabuuang P 5.7 milyon sa pamilya ni Federico ang mga akusadong sina Allan Florentino, Joel Borlon, Ramon, Zaldy at Adorable dela Paz.

Hindi pa ibinaba ang hatol sa patuloy pa ring nakakalaya na si Melvin Magbanua habang hindi naman isinama sa kaso si Edwin Habla matapos na ito ay gawing state witness ng prosekusyon laban sa kanyang mga kasamahan.

Una nang napalaya ang mga akusado noong 1996 ni Judge Santiago Ranada Jr.,dahil sa teknikalidad dahil sa wala umanong abogado na nakaharap nang pirmahan ng mga ito ang kanilang pag-amin sa krimen na kalauna’y itinanggi nila sa media.

Umapela naman ang pamilya ni Federico sa Court of Appeals na siyang nagpabukas sa kaso na hinawakan ni Acebo.

Ibinasura ng korte ang pahayag ng mga akusado na sila umano ay tinorture ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) para umamin subalit wala naman itong maipakita na medical certificates para patunayan ang kanilang alegasyon.

Habang binabasahan ng hatol, hindi maiwasan ng mga magulang ni Rosalyn ang pag-iyak dahil sa muntik na nilang hindi makamit ang katarungan.

Matapos ang paghatol ay nagtungo agad ang pamilya Federico sa Loyola Memorial Park sa Marikina City upang magbigay ng panalangin sa biktima na inaasahan nilang matatahimik na ito sa kanyang kinalalagyan.

Magugunita na noong Hulyo 5,1993,bandang alas-11 ng gabi ay hinarang ng mga ilang kalalakihan si Federico, 22, nursing student at part-time fast food crew habang ito ay papauwi.

Dinala ang biktima sa isang bakanteng apartment at halinhinang ginahasa bago pinatay sa pamamagitan ng pagtatakip ng tuwalya sa bibig nito. (Ulat ni Danilo Garcia)

ALLAN FLORENTINO

COURT OF APPEALS

DANILO GARCIA

EDWIN HABLA

FEDERICO

JOEL BORLON

JUDGE LEILI ACEBO

JUDGE SANTIAGO RANADA JR.

LOYOLA MEMORIAL PARK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with