^

Metro

Life sa pumatay ng kalaro sa basketball

-
Habambuhay na pagkabilanggo ang inihatol ng Malabon City Regional Trial Court (RTC) laban sa isang 21-anyos na lalaki matapos na mapatunayang nagkasala ng pagpatay sa kanyang kalaro sa basketball tatlong taon na ang nakararaan sa Navotas. Si Domingo dela Torre, binata, ng Road 10, Brgy. Northbay Blvd. South, Navotas ay hinatulan ni Judge Benjamin Antonio ng RTC Branch 170 at inatasang magbayad sa pamilya ng biktimang si Marvin Pescante ng halagang P67,000 para sa damages. Sa rekord ng korte, Agosto 28, 1999 ay naglalaro ng basketball si Pescante at mga kaibigan na sina Omar Tanelon at Allen Garcillanosa nang biglang batuhin ng akusado. Dahil dito, nagpasya ang biktima at mga kaibigan na umuwi na lang pero papalapit na ito sa kanilang bahay ay sumulpot si dela Torre at binaril si Pescante sa ulo gamit ang isang improvised shotgun. (Ulat ni Gemma Amargo)

AGOSTO

ALLEN GARCILLANOSA

GEMMA AMARGO

JUDGE BENJAMIN ANTONIO

MALABON CITY REGIONAL TRIAL COURT

MARVIN PESCANTE

NAVOTAS

NORTHBAY BLVD

OMAR TANELON

PESCANTE

SI DOMINGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with