^

Metro

3 libo kabahayan naabo sa sunog

-
Libu-libong pamilya ang nawalan ng tirahan nang tupukin ng apoy ang may 3,000 kabahayan habang dalawang paslit ang nasugatan matapos ang naganap na sunog kamakalawa ng gabi sa Baseco compound, Port Area, Manila.

Nagsimula ang sunog dakong alas-9 ng gabi sa Blk. 13 ng nasabing lugar at dalawang paslit dito na hindi nabanggit ang pangalan ang nagtamo ng 1st degree burn.

Dahil sa kasikipan ng mga daan sa lugar na isang squatters area ay nahirapan ang mga bumbero na agad maapula ang apoy na mabilis kumalat sa mga barung-barong na kabahayan.

Umaabot sa humigit kumulang na P15 milyon ng mga ari-arian ang naging abo.

Ilang saksi ang nagsabing may narinig umano silang malakas na pagsabog sa hindi matukoy na may-ari ng bahay.

Pinaghihinalaan ng mga residente na sinadya ang naganap na sunog na naapula ng mga bumbero bandang ala-1:45 ng madaling araw kahapon.

Ang ilan sa mga pamilyang nasunugan ay nagtatayo ng pansamantalang tirahan sa basketball court. (Ulat ni Ellen Fernando)

BASECO

DAHIL

ELLEN FERNANDO

ILANG

LIBU

NAGSIMULA

PINAGHIHINALAAN

PORT AREA

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with