Kinilala ni P/Insp. Solitaire Montayre, hepe ng Womens and Childrens Desk ng Makati City Police, ang biktima na si PO1 Antonette Orgeta, dalaga, at nakatira sa 71-A Tejeros Tenement Bldg., ng nasabing lungsod.
Samantala, ang suspek ay si Danilo Arianza, 40, vendor, hiwalay sa asawa, nakatira din sa nasabing lugar at nakakulong sa Makati City Police detention cell.
Base sa imbestigasyon, dakong alas-3 kamakalawa ng hapon sa nabanggit na lugar ginulpi umano ni Arianza si Orgeta dahil nagselos umano ang una ng walang dahilan.
Ayon kay Orgeta, may nakatabi lamang siyang lalaki na di naman niya kilala ay agad umanong pinagseselosan ni Arianza.
Sinabi ni Orgeta, noong nagsasanay pa lamang siya bilang police woman ay madalas siyang saktan ng suspek. (Ulat ni Lordeth Bonilla)