Pamilya binantaan ng pulis -WPD
March 28, 2002 | 12:00am
"Isa akong pulis, ako ang namamaril sa Tondo kaya huwag mong magalaw kahit daliri ng kapatid ko dahil papasukin ko ang bahay mo at papatayin kita sa harap ng dalawang anak mo."
Ito umano ang pagbabanta na ginawa ng isang PO3 Alexander Rodrigo na umanoy miyembro ng Western Police District at residente ng Phase 1, Paliparan Site, Dasmariñas, Cavite sa biktimang si Jesse Trinidad.
Sa salaysay ni Jesse, dakong alas-5:30 ng hapon ng Sabado sa basketball court ng Phase 3 nang tawagin siya ni Richard alyas Angas para ipakilala umano ito sa kanyang kapatid na pulis.
Agad na lumapit si Jesse, bitbit ang dalawang anak sa kotse na nakaparada.
Dito na nagpakilala sa kanya si PO3 Rodrigo na nakaupo sa driver seat na utol nito si Richard at agad umanong binunot ang service firearm nito at tinutukan ang biktima habang dinidibdiban naman ni Richard si Jesse kahit kasama ang dalawang anak nitong maliit.
Ang pagbabanta umano ng pulis kay Jesse ay ukol sa naganap na hindi pagkakaunawaan ng kanyang kapatid at ng huli sa basketball.
Minura umano ni Richard ang kalaban nito sa basketball na sinaway ni Jesse at sinabi na huwag nitong lahatin kundi ang kanyang kinaiinisan lang.
Nagalit si Richard sa pagsaway ni Jesse kaya binato umano nito ng bola na ginantihan naman ng huli.
Ayon sa isang opisyal ng barangay, hindi dapat umano kumampi agad ang pulis sa kapatid nito at bilang alagad ng batas ay dapat alamin muna nito ang pinagmulan ng away at hindi dapat itong magbanta.
Sa ginawang pagbabanta ni PO3 Rodrigo kay Jesse ay natatakot na itong lumabas at hindi na rin ito mapagkatulog.
Nakahandang sampahan ni Jesse sa Napolcom ng kasong grave threat ang nasabing pulis. (Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest