^

Metro

15-anyos na GRO ni-rape ng katulong

-
Sa loob ng kulungan magpapalipas ng Semana Santa ang isang helper na sinasabing mabibitay dahil sa panggagahasa ng isang menor-de-edad na Guest Relation Officer (GRO) habang natutulog sa ibabaw ng lamesa sa isang disco pub sa Parañaque City, kahapon.

Ang biktima ay itinago sa pangalang Tanya, 15, ng Pulang-lupa, Las Piñas at namamasukan bilang GRO umano sa Music Sulyap 2 Disco Pub sa Baclaran.

Samantala, ang suspek na si Boler Retumbaga, 31, binata, stay-in helper sa nasabing disco pub ay nakakulong sa Parañaque City Precint 1 (PCP1) detention cell.

Ayon kay SPO4 Wilfredo Baler, ng PCP1, naganap ang insidente dakong alas-7 ng umaga kahapon sa loob ng nasabing pub house.

Batay sa salaysay ng biktima, mahimbing siyang natutulog sa ibabaw ng lamesa ng pinapasukan niyang club dahil sa labis na kalasingan nang maramdaman niyang may mabigat na nakapatong sa ibabaw ng kanyang katawan.

Ayon sa kanya, nang imulat niya ang kanyang mga mata ay nakita niyang nakapatong ang isang lalaki na umaararo sa kanyang hubad na katawan.

"Nagsisigaw ako kaya nakatawag ng pansin sa mga kasamahan ang nangyaring kahalayan sa akin," ani Tanya.

Gayunman, sinabi ng ilang residente, dapat din umanong kasuhan ng pulisya ang may-ari ng diskuhan dahil menor de edad ang biktima at sa murang isipan nito ay nagahasa pa. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

BOLER RETUMBAGA

CITY PRECINT

DISCO PUB

GUEST RELATION OFFICER

LAS PI

LORDETH BONILLA

MUSIC SULYAP

SEMANA SANTA

TANYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with