Hostage-taker binaril, grabe
March 28, 2002 | 12:00am
Isang binatang desperado ang nabaril at agaw-buhay matapos nitong tangayin ang baril at uniporme ng isang opisyal ng Central Police District (CPD) at gawing hostage ang isang saleslady dahil hindi umano matanggap ng una na siya ay hiniwalayan ng kanyang nobya.
Kinilala ni Supt. Jose Ramon Salido, hepe ng Makati City Police-Criminal Investigation Division (CID), ang suspek na si Dexter Salas, 23, ng #5150 Carrion St., Sta. Ana, Manila. Ito ay nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kanyang dibdib at kasalukuyang ginagamot sa Ospital ng Makati City.
Samantala, ang hinostage ni Salas ay nakilalang si Sherryl Torres, 22, dalaga, saleslady ng SM ng Norzagaray, Bulacan.
Sa imbestigasyon ng Makati City Police, unang nadakip ng mga kagawad ng CPD Station 5, ang suspek dakong alas-3:00 ng madaling araw kahapon, matapos umano itong magwala at pagbabasagin ang mga salamin ng SM Fairview, Quezon City.
Gayunman, kailangang magpaliwanag sa kanyang superior officers si Sr./Insp. Eddie Aragli, nakatalaga sa CPD Station 5 sa Lagro, QC, kung paano siya natakasan ni Salas at nakuha ang service pistol at uniporme nito habang nakaposas umano ang dalawang kamay ng suspek.
Si Salas ay nakalabas ng presinto dala ang isang 9mm pistol ni Aragli at uniporme nito hinabol siya ng mga pulis pero hindi ito naabutan. Ang suspek ay mabilis na nakasakay ng pampasaherong jeep na minamaneho ng isang Angelito Puerte, 32, habang nakatigil sa Doña Carmen public market ng nasabing lungsod.
Nalaman na pinagbalingan ng suspek si Puerte na nakasakay sa jeep ng mga oras na iyon at si Torres at inutusan ng suspek ang una na paandarin ang jeep papuntang Villamor Airbase, sa Pasay City.
Sinabi ni Puerte, nakakita ng isang nakaparadang taxi ang suspek mabilis na bumaba ng kanyang jeep at kinaladkad si Torres para sumakay dito.
Sa bilis ng pangyayari, sinundan ni Puerte ang mga ito hanggang sa makita niya si SPO1 Benjamin Ariza, na nagta-trapik sa may panulukan ng Pioneer St., at EDSA, Mandaluyong City at humingi ng tulong.
Nagkaroon ng matinding habulan hanggang sa may J.P. Rizal Ave., Makati City nakorner nila ang taxi pero ayaw ibigay ng suspek si Torres kaya napilitan barilin ng pulis si Salas. (Ulat nina Lordeth Bonilla at Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended