Chinese drug dealer inabsuwelto ng korte

Inabsuwelto kahapon ng QC Regional Trial Court ang isang umanoy Chinse drug dealer na nahulihan ng 5 kilo ng shabu noong Setyembre 1999.

Sa desisyon ni Judge Theresa Yadao ng branch 81,kanyang pinawalang sala si Chui Jin Huan Tan dahil sa kakulangan ng merito at pagkabigo ng PAOCTF na maiprisinta sa korte ang confidential informant na magdidiin sana sa kaso ni Tan.

Hindi umano nakumbinsi ng PAOCTF ang korte ang kanilang alegasyon kay Tan dahil nabigo ang kanilang informer na ma-identify ang nasasakdal. (Ulat ni Angie dela Cruz)

Show comments