^

Metro

Bumbero sinampahan ng rape

-
Sinampahan kahapon ng kasong panggagahasa ang isang bumbero sa Pasig City Prosecutor’s Office, na dalawang beses na humalay umano sa isang 13-anyos na anak ng ka-live-in noong nakaraang linggo sa bayan ng San Juan.

Kasalukuyang nagtatago ngayon ang suspek na si Jose Dacumos, 48, miyembro ng San Juan Fire Dept. matapos na malaman ang pagsasampa ng kaso laban sa kanya.

Sa rekord ng pulisya, sinamahan ang biktima ng kanyang 27-anyos na ate sa Women and Children’s Desk at inireklamo si Dacumos na umano unang ginahasa ang dalagita noong Oktubre 10, 2001.

Kumukuha umano ng tubig ang biktima sa kanilang refrigerator nang lapitan ng ama-amahan at sapilitang ipinasok sa loob ng kuwarto nito, puwersahang hinubaran at matagumpay na naisakatuparan ang makalaman na pagnanasa.

Hindi umano niya nagawang magsumbong dahil sa pananakot ng suspek na papatayin siya pati ang ina. Muling naulit ang panghahalay nitong nakaraang Marso 16.

Tinangka umano niyang manlaban ngunit tinakot siyang muli ng suspek na papatayin ang ina. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

DACUMOS

DANILO GARCIA

JOSE DACUMOS

KASALUKUYANG

KUMUKUHA

MARSO

PASIG CITY PROSECUTOR

SAN JUAN

SAN JUAN FIRE DEPT

WOMEN AND CHILDREN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with