^

Metro

Debate ng "Ang Dating Daan" at INC pinigil ng korte

-
Hindi pinayagan ng Quezon City Regional Trial Court na maisa-telebisyon ang debate ng magkaaway na religious group ang Iglesia ni Cristo (INC) ni Ka Ernie Manalo at Dating-Daan ni Bro. Eli Soriano.

Ito ay matapos na katigan ni QC RTC Judge Monina Zenarosa ang petisyon ng INC na pansamantalang i-ban ang debate ng kanilang grupo sa grupo ni Soriano na takdang ipalabas sa Southern Broadcasting Network 21.

Sa kanyang petisyon, sinabi ni Manalo dapat ipahinto muna ang tinakdang 72 oras na debate ng magkabilang grupo dahil hindi pinapayagan ng kanilang samahan na kumatawan sa INC sina Danilo Navales, Henry Evangelista at Willy del Rosario, umano’y mga opisyal ng Minister of the Gospel ng Iglesia ni Cristo.

Diniin ni Manalo na sina Navales, Evangelista at del Rosario ay hindi orihinal na Minister Gospel ng INC.

Itinakda noong Marso 22 ng alas-9:00 ng gabi ang debate ng INC at Dating Daan na hindi natuloy. (Ulat ni Angie dela Cruz)

CRISTO

DANILO NAVALES

DATING DAAN

ELI SORIANO

HENRY EVANGELISTA

JUDGE MONINA ZENAROSA

KA ERNIE MANALO

MANALO

MINISTER GOSPEL

MINISTER OF THE GOSPEL

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with