2 NBI agents, iba pang confidential agents sinibak ni Wycoco
March 26, 2002 | 12:00am
Dalawang agent ng National Bureau of Investigation (NBI) at 44 NBI confidential agents ang sinibak ni NBI Director Reynaldo Wycoco dahil sa ibat ibang kasong kinakaharap ng mga ito.
Hindi na konektado sa NBI si John Herra, isang special investigator, matapos na ibasura ng Department of Justice (DOJ) ang apela nito sa dismissal order ni Wycoco.
Inirekomenda ni Wycoco, ang pagsibak kay Herra bunga na rin umano ng pagkakasangkot nito sa ibat ibang kontrobersyal na operasyon.
Gayunman, pinasibak din ni Wycoco si Pio Palencia, NBI Special Investigator dahil sa kasong Absent Without Official Leave (AWOL).
Sinabi ni Wycoco, si Palencia ay nakatalaga bilang NBI special investigator sa Central Mindanao Regional Office pero hindi naman umano nagrereport sa kanyang assignment at madalas din umanong makita sa Bicol region.
Bukod sa pagtanggal kina Palencia at Herra sinibak din ni Wycoco ang 44 NBI confidential agents dahil sa pang-aabuso sa tungkulin. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended