^

Metro

P12-M ari-arian naabo sa QC , Valenzuela

-
Isang lolo ang malubhang nasugatan samantala may P12 million halaga ang mga nasunog na ari-arian sa dalawang magkakahiwalay na lugar sa Quezon City at Valenzuela City, kahapon.

Nakilala ang biktimang si Juan Sumugat, 62, ng 122 M.H. del Pilar St., Bgy. Palasan, Valenzuela City, na ginagamot sa ospital dahil nagtamo ito ng 3rd degree burns sa kanyang katawan.

Ayon kay PNP C/Insp. Efren Yadao, City Fire Marshall, dakong alas-2 ng madaling-araw nang magsimula ang sunog sa apartment na pag-aari ni Maurita Heradura ng nasabing lugar.

Isang malakas na pagsabog umano ang narinig ng mga residente dito na nagmula daw sa kuwarto ng biktima kasunod ang naglalagablab na apoy na tumupok sa 2-storey apartment na tinitirhan nito.

Hinihinala ng mga bumbero na maaaring galing sa tangke ng gas ang pagsabog kaya mabilis kumalat ang apoy sa buong kabahayan.

"Napasarap ang tulog nito kaya hindi niya namalayan na nasusunog ang kanyang bahay kaya pati katawan niya ay may 30 porsiyento ang nalapnos," anang isang bumbero.

Samantala, may P10 million halaga ng mga ari-arian ang tinupok ng apoy nang maabo ang isang dalawang palapag na gusali sa Quezon City, kahapon.

Batay sa ulat ni FO3 Danilo Dugay, ng QC Fire District Office, nag-umpisa ang sunog pasado alas-6:03 ng umaga sa loob ng J.R. Store na inuupahan ng isang Lala Villa Prudente, sa 36-C Visayas Ave., malapit sa panulukan ng Tandang Sora, Bgy. Pasong Tamo, QC at pag-aari ng isang Manuel Heraldez.

Mabilis umanong kumalat ang apoy sa karatig na unit nito na tumagal ng halos isa’t kalahating oras bago na-fire under control pasado alas-7:36 ng umaga.

Walang iniulat na nasaktan sa nasabing insidente. (Ulat nina Gemma Amargo at Jhay Mejias)

vuukle comment

BGY

C VISAYAS AVE

CITY FIRE MARSHALL

DANILO DUGAY

EFREN YADAO

FIRE DISTRICT OFFICE

GEMMA AMARGO

ISANG

QUEZON CITY

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with