Sa kabila na ang karamihang mga bomba na na-recover ay walang explosion device ay iginiit ni Mayor Belmonte na hindi pa rin dapat na ikumpromiso ang kaligtasan ng publiko.
"Anong malay natin kung ang itatanim na bomba sa susunod ay puputok na" pahayag ng alkalde.
Iginiit din ng alkalde na manatili ang mga residente ng Quezon City sa kanilang tahanan at lumabas lamang kung kinakailangan nang may matinding pag-ingat.
Kaugnay nito ay ipinag-utos ni Mayor SB ang pagtatalaga ng karagdagang operatiba mula sa Central Police District sa mga malls, parks at iba pang lugar pasyalan na dinudumog ng tao upang tiyakin ang kaligtasan ng mga ito sa banta ng pambobomba.
Kabilang sa mga lugar na tinukoy na tutukan ay ang SM Malls sa Cubao, Fairview, North Ave., Quezon Circle, at Ninoy Aquino Parks and Wildlife sa Elliptical Road, Diliman.
Inatasan din ni SB si CPDO Director Chief Supt. Rodolfo Tor na magtalaga ng pulisya sa mga bus terminals simula bukas ng gabi (Martes-March 26) hanggang Easter Sunday March 31. (Ulat ni Angie dela Cruz)