^

Metro

Killer cop patay sa sagupaan

-
Isa sa dalawang suspek na tinaguriang ‘‘killer cop’’ ang nasawi sa enkuwentro sa mga elemento ng Western Police District (WPD) sa Tondo, Maynila kahapon ng tanghali.

Hindi na umabot ng buhay sa Tondo General Hospital dahil sa dami ng tama ng bala sa katawan ang suspek na si Leo Blaster, 32 ng Vitas na umano ay pumatay kay SPO1 Raymundo Manaois noong Marso 22 na nakilalang si Leo Blaster, 32, ng Vitas St., Tondo habang nakatakas naman ang kasamahan ng suspek.

Naganap ang enkuwentro sa pagitan ng pulisya at ng mga suspek dakong alas-12 ng tanghali sa harap ng Macro warehouse na nasa Vitas St., Road 10, Tondo.

Nakilala ng mga tauhan ni Inspector Edilberto Jesusan, hepe ng Smokey Mountain Police Community Precinct ng WPD-Station 1 ang dalawang suspek na nakatayo sa tapat ng warehouse.

Agad na nagsagawa ng routine search sa mga suspek subalit hindi pa gaanong nakakalapit ang mga awtoridad ay pinaputukan na ito ng sunud-sunod ng mga suspek.

Makaraan ang palitan ng putok tinanghal na bangkay si Blaster na nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan nito.

Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na si Blaster ang nangholdap at pumatay sa miyembro ng Philippine National Police-Aviation Security Group, Balikbayan Tourist Protection Unit na si Manaois, 47-anyos, noong Biyernes.

Magugunita na sakay ng kanyang owner type jeep ang biktimang pulis habang kasama ang asawa nito at isang anak pauwi ng kanilang bahay sa Bgy. Acacia, Malabon at habang tinatahak ang Road 10, ng maabutan ng red signal light sa Jacinto St., Tondo.

Habang naghihintay na mag-go ang traffic light, lumapit ang mga suspek at tinutukan ito ng baril kasama ang isa pang kasabwat at kinuha ang cellphone ng pulis, subalit pumalag ito kung kaya’t binaril hanggang sa mapatay. (Ulat ni Andi Garcia)

ANDI GARCIA

BALIKBAYAN TOURIST PROTECTION UNIT

INSPECTOR EDILBERTO JESUSAN

JACINTO ST.

LEO BLASTER

PHILIPPINE NATIONAL POLICE-AVIATION SECURITY GROUP

RAYMUNDO MANAOIS

SUSPEK

VITAS ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with