3 hijacker ng semento sa Bulacan tiklo sa QC
March 24, 2002 | 12:00am
Tatlong kalalakihan na umano ay nasa likod ng pag-hijack sa milyong halaga ng semento sa isang lugar sa Bulacan ang naaresto ng mga awtoridad kahapon ng umaga sa Quezon City.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Felix Bahol, 42; Noli dela Cruz, 29, at Armando Galas, 41, pawang mga helper at residente ng Pelaris st., Balintawak.
Nabatid sa QC Traffic Sector 1-Balintawak station, na ang tatlong suspek ay naaresto habang nagbababa ng mga sako ng semento mula sa isang ten wheeler truck na may plakang UJZ-354 habang nakaparada sa tapat ng bahay ng isa sa mga suspek.
Napag-alaman na isang Antonio Lee na may-ari ng nasabing truck at amo ng mga suspek ang nagsumbong sa pulisya dahil sa ninakaw lamang umano ang mga semento sa nasabing lalawigan.
Nang dadalhin na ang mga suspek at mga kumpiskadong semento sa Sangandaan police station ay isang dating opisyal ng QC police na si Supt. Apsalon Salboro ang lumitaw sa himpilan ng pulisya at inaarbor umano ang mga naarestong suspek.
Ganoon pa man hindi na niya ito itinuloy matapos na malamang maraming mga taga-media ang nandoon. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest