^

Metro

Binatilyo grabe sa tusok ng barbeque stick

-
Dahil sa halagang ‘‘piso’’ nalagay sa malubhang kalagayan ang buhay ng isang 13-anyos na binatilyo makaraan umanong saksakin ng isang barbeque stick sa leeg ng kanyang kabarkadang napikon dahil sa kakulitan umano ng una kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Hanggang sa kasalukuyan nasa kritikal na kondisyon si Marionito Pantillan, isang out-of-school-youth, nakatira sa Dahlia St., Bgy. Payatas Quezon City sa East Avenue Medical Center dahil sa grabeng saksak sa leeg.

Habang agarang sumuko naman ang suspek na itinago sa pangalang ‘‘Rizal", 13-anyos at nakatira malapit sa bahay ng biktima.

Sa imbestigasyon, alas-9 ng gabi habang nakaistambay sa kanilang lugar si Pantillan nang dumaan sa harapan nito ang tinderong may tinda ng mga tinuhog na mangga. Anila’y nais na bumili ng mangga ang biktima ngunit walang pera ito. Nagkataon naman dumaan si Rizal at hiningan ng piso ni Pantillan pambili ng mangga, ngunit tumangging magbigay ang huli.

Kinulit ni Pantillan si Rizal hanggang sa napundi na umano ang huli at bigla na lamang sinaksak ang biktima. (Ulat ni Jhay Mejias)

ANILA

BGY

DAHLIA ST.

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

JHAY MEJIAS

MARIONITO PANTILLAN

PANTILLAN

PAYATAS QUEZON CITY

QUEZON CITY

RIZAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with