^

Metro

Tsino, 2 Pinoy tiklo sa 7 kilong shabu

-
Isang hinihinalang big-time Chinese drug trafficker at dalawang Pilipino ang naaresto ng mga operatiba ng Philippine National Police-Narcotics Group (Nargroup) at makumpiskahan ng may pitong kilong shabu sa magkahiwalay na operasyon kamakalawa ng hapon sa Quezon City at Maynila.

Kinilala ni PNP-Nargroup Chief director Efren Fernandez ang Tsinong suspek na si James Lee, 25 at mga kasamahang Pinoy na sina Josefino Fernandez, 36, taxi driver, ng 826 Linampas St., Tondo at Elmer Dawa, 37, ng Lot 42, Block 69 Phase 4, Bagong Silang, Caloocan City.

Sinabi ni Fernandez na naunang nadakip ng mga awtoridad si Lee sa isinagawang buy bust operation dakong alas-2 kamakalawa ng hapon sa Panay Avenue, Quezon City.

Nakuha mula sa pag-iingat ni Lee ang may limang kilo ng high grade na metamphetamine hydrochloride o shabu na nagkakahalaga ng P10 milyon na nakalagay sa 26 na container ng Pringles Potato Snack.

Samantala, dakong alas-2:30 ng hapon nasabi ring araw nang maaresto sina Fernandez at Dawa sa Binondo, Maynila.

Umaabot naman sa dalawang kilo ng shabu ang nasamsam kina Fernandez at Dawa na nagkakahalaga ng P4 milyon. Isinakay ang ipinagbabawal na droga sa isang Tamaraw FX na may plakang PXA-216.

Tiniyak naman ni PNP Chief Director Leandro Mendoza na maging sa panahon ng Semana Santa ay hindi titigil ang pamunuan ng PNP sa pagmomonitor ng mga sindikato ng droga.

Inamin ni Mendoza na kadalasang isinasagawa ang operasyon ng drug trafficking sa holiday season. (Ulat ni Doris Franche)

BAGONG SILANG

CALOOCAN CITY

CHIEF DIRECTOR LEANDRO MENDOZA

DAWA

DORIS FRANCHE

EFREN FERNANDEZ

ELMER DAWA

FERNANDEZ

JAMES LEE

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with