Obrero nabagsakan ng andamyo, todas
March 22, 2002 | 12:00am
Isang 24-anyos na construction worker ang namatay matapos mabagsakan ng gumuhong andamyo o scaffolding sa loob ng pinagtatrabahuhan nito kahapon ng umaga sa Quezon City.
Ang biktima na idineklarang dead-on-arrival sa Quirino Labor Hosptal ay nakilalang si Larry Bartoloy ng Millenium Erectors Corp. at nakatira sa Lakas Tao St., Floodway, Cainta, Rizal.
Sa report ng pulisya, dakong alas-7:20 ng umaga ay nagbubuhat ng sako ng buhangin ang biktima sa loob ng ginagawang gusali ng East Wood GSIS.
Nang maaksidenteng mapatid ang tali na kinakabitan ng scaffolding na nakakabit sa ikaanim na palapag ng ginagawang gusali.
Sinamang palad na mabagsakan ang biktima ng mga pirasong bakal ng scaffolding na naging sanhi ng kamatayan nito. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended