^

Metro

3 adik na pulis sinibak

-
Tatlong miyembro ng Philippine National Police-Narcotics Group (PNP-NARGROUP) ang sinibak sa serbisyo makaraang mabisto na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Batay sa isinagawang drug testing, ang mga sinibak ay nakilalang sina PO3 Alberto Eusebio, PO1 Fernando Lachico, kapwa nakatalaga sa 3rd Regional Narcotics Office at PO1 Lirio Gorre ng 11th Regional Narcotics Office.

Ayon kay PNP-NARGROUP Chief Director Efren Fernandez, ang pagkakasibak sa tatlo ay bunsod na rin ng Oplan: Pagbabago ng pamunuan ng PNP upang maituwid ang mga maling gawain ng kapulisan.

Aniya, ang mga ito ang siyang dapat magpapatupad ng batas at hindi lumalabag sa batas partikular sina Eusebio at Lachico na una nang naaresto noong Agosto 24, 2001. Ang mga ito ay naabutan ng mga tauhan ng PNP-NARGROUP na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot sa bahay ng mag-asawang pinaghihinalaang drug courier.

Ang mga ito ay nakilala namang sina Romeo at Leonor Bienavidez sa 1421 St. East Bajac-Bajac Olongapo City.

Kasalukuyang nakapiit ang mga ito sa Olongapo Police Station. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

ALBERTO EUSEBIO

CHIEF DIRECTOR EFREN FERNANDEZ

DORIS FRANCHE

FERNANDO LACHICO

LEONOR BIENAVIDEZ

LIRIO GORRE

OLONGAPO POLICE STATION

PHILIPPINE NATIONAL POLICE-NARCOTICS GROUP

REGIONAL NARCOTICS OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with