^

Metro

Barangay Kagawad tinodas ng pulis sa presinto

-
Isang barangay kagawad ang binaril at napatay ng rookie cop sa loob ng istasyon ng pulisya makaraan umanong magtalo hinggil sa trapiko, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Napatay si Hermie Galicia, 41, kagawad ng Novaliches Proper at nakatira sa 12-A Petronia st., Buenamar Subd., Novaliches dahil sa tinamong tama ng bala sa kaliwang dibdib.

Agad tumakas ang suspek na si PO1 Garvin Mendi, nakatalaga sa Central Police District (CPD) Station 4, ng Sta. Lucia, Novaliches, matapos ang pamamaril.

Sa imbestigasyon, naganap ang insidente dakong alas-9:25 ng gabi sa loob mismo ng CPD Novaliches Police Station 4.

Bago ang insidente, nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa tungkol sa trapiko kung kaya dinala ang mga ito sa Novaliches Police Station nina PO3 de Guzman at PO3 Cesar Patol.

Sa istasyon ay di maawat ang pagtatalo ng dalawa hanggang sa pagmumurahin umano ng biktima ang naturang pulis at napansing may bubunutin umano ito sa kanyang baywang hanggang sa inunahan umano ng bagitong pulis na bunutin nito ang kanyang service firearm at pinaputukan si Galicia.

Sinabi naman ng mga pamilya ni Galicia, hindi ugali ng biktima na magdala ng anumang patalim nito at maaaring itinanim lamang ang sinasabing balisong ng pulisya.

"Imposible rin na sa loob ng istasyon ng pulis magtatangkang manaksak si Hermie eh nakapaligid ang pulis doon," nagtatakang pahayag ng mga kaanak nito.

Pinangangambahan din ng pamilya ni Galicia na maaaring whitewash ang kasong kinasasangkutan nito dahil hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa isinusuko umano ng mataas na opisyal ang suspek na nasa pangangalaga nito. (Ulat ni Jhay Mejias)

A PETRONIA

BUENAMAR SUBD

CENTRAL POLICE DISTRICT

CESAR PATOL

GALICIA

GARVIN MENDI

HERMIE GALICIA

JHAY MEJIAS

NOVALICHES

NOVALICHES POLICE STATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with