Tsino na kinalasan ang nobya, nag-suicide
March 19, 2002 | 12:00am
Bunsod ng hindi inaasahang pagkawala ng nobya, isang Chinese national ang tumalon mula sa ikaapat na palapag ng isang shopping mall sa Quezon City.
Hindi na nakaabot ng buhay sa Rizal Provincial Hospital ang biktimang si Eugene Dy Pue Keng, 29, binata, ng 117 Riverside St., San Francisco del Monte, QC, makaraang mabasag ang bungo at mabali ang mga buto nito.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ni Supt. Raul Medina, hepe ng CPD-Criminal Investigation Unit, dakong alas-8:15 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng Robinsons Galleria sa Ortigas Avenue corner EDSA, QC.
Nabatid pa sa imbestigador na isa sa suliranin ng biktima ay ang pagkawala ng nobya nang hindi inaasahan.
Huling nakita ang biktima na tila balisang-balisa na naglalakad sa ika-apat na palapag sa nasabing mall.
Isang security guard ng mall ang nakadiskubre sa katawan ng biktima na nakabulagta at nangingisay sa ground floor ng mall.
Ayon sa pulisya, walang nakakita sa aktuwal na pagtalon ng biktima kaya nagimbal ang mga shoppers nang makita ang katawan nito na nakahandusay sa ground floor.
Samantala, patuloy pa ring nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang mga imbestigador at inaalam kung may foul play. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended